112

Nov 10, 2021 @ 10:02
By

200 migratory bird nasagip

Nailigtas ng mga kawani ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Baliwag, Bulacan ang nasa 200 migratory bird na ibinebenta nang iligal sa naturang lugar.

Ayon sa ulat ng 24 Oras nitong Martes, endangered sa ibang mga bansa ang naturang mga ibon at ibinebenta ng P100 kada tatlong piraso.

Nakatakas naman ang mga suspek, na pinaghahanap sa ngayon.

Naabutan naman na buhay pa at nakatali ang mga ibon, kaya pinakawalan din ang mga ito.

Nagbabala rin ang mga awtoridad na may karampatang parusa ang iligal na pagbebenta ng hayop, partikular ang mga nasa wild.

Gayundin, maaaring magdala ng panganib ang paghuli sa mga migratory bird dahil pwede itong maging taga-dala ng sakit gaya ng avian flu. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?