113

Oct 24, 2017 @ 16:51

200 kilong botcha, kinumpiska sa QC

Nasamsama ng pinagsanib na puwersa Quezon City Police District (QCPD) at Quezon City Veterinary Office ang may 200 kilo ng frozen meat na hinihinalang “botcha” o double dead sa dalawang palengke sa Quezon City kahapon ng umaga.

Magkasunod na sinalakay ng mga tauhan ng QCPD-SWAT at Quezon City Veterinary Office ang Commonwealth Market at Novaliches Market makaraang makatanggap ng impormasyon hinggil sa “mishandled frozen meat”.

Hindi nakalagay sa freezer o chiller containers ang mga karne kung kaya kinumpiska ng mga awtoridad.

Nabatid na ang ilang kilong nakumpiskang karne ay nangangamoy na at ang iba nilagyan ng kulay upang magmukhang sariwa.

Galing sa ibang bansa kinumpiskang frozen meat na hinihinalang ‘botcha’ na ngayon ay nakatakdang ibaon sa lupa o kaya’y sunugin.

Wala namang naarestong tindera at may-ari ng kinumpiskang karne dahil nagtakbuhan ang mga ito noong dumating ang mga awtoridad. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?