23
views

By

200 kilo ng botcha nasabat sa Maynila

Sharing is caring!

Nasamsam ng mga awtoridad ang may 200 kilo ng double dead meat o botcha sa isang palengke sa Maynila.

Batay sa tip mula sa concerned citizen, isinagawa ang inspeksiyon ng mga operatiba ng Veterinary Inspection Board sa Recto Ilaya dakong alas-dos ng madaling-araw ngunit nakatakas ang suspek.

Ibebenta sana ang naturang mga karne sa murang halaga.

Ayon kay Dr. Jose Fajardo ng Manila Veterinary Inspection Board, maaaring maharap ang mga nagbebenta ng double dead meat sa pagkakulong ng anim hanggang 12 na taon at multang P100,000 hanggang P1 milyon.

Ang pagkain umano ng botcha ay masama sa kalusugan ng tao na maaaring magdulot ng pagkalason, pagtatae, pagsusuka, lagnat, o trangkaso. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?