91
200 FB accounts na may kaugnayan sa ex-campaign manager ni Duterte, isinara
Mar 29, 2019 @ 14:26
By

200 FB accounts na may kaugnayan sa ex-campaign manager ni Duterte, isinara

Inanunsiyo ng social media giant Facebook na nagtanggal sila ng nasa 200 accounts na may kaugnayan umano sa blogger at social media campaign manager noong 2016 ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Nic Gabunada.

Ayon kay Nathaniel Gleicher, pinuno ng Cybersecurity Policy ng Facebook, kabuuang 67 pages, 68 accounts, 40 groups at 25 Instagram accounts ang isinara dahil sa pagiging “misleading”.

Dagdag pa ni Gleicher, ang naturang mga page, group at account na pinagsamang tunay at pekeng accounts ay ginagamit para sa mga kandidato.

Mayroon umanong milyon-milyong followers ang mga naturang page.

Nilinaw naman ni Gleicher na hindi nila pinagbasehan ang laman at mga taong nasa likod ng mga isinarang account kundi ang paggamit ng mga ito ng “network of fake accounts to mislead people.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?