By

200 campus writer, paper adviser sa PSC seminar

Sharing is caring!

NASA halos 200 campus journalists at advisers sa kapuluan ng bansa ang mga sumailalim sa Philippine Sports Commission ng Communicate Sports Seminar sa Caoayan, Ilocos Sur, tinuruan sila ng basic ethical sports journalism, na kinopya sa Department of Education at Philippine Information Agency.

“We have the opportunity to be with these young people who are the future communicators of our country,” ani PSC Commissioner Charles Raymond Maxey, na isa ring dating sports journalist sa Davao City.

Si DepEd Assistant Secretary G.H. Ambat ang gumabay sa editorial ng writers na ang ilang pili’y kokober sa binuksan kahapong 61st Palarong Pambansa 2018 sa Quirino Stadium sa Bantay sa lalawigan ding ito.

“There are many stories that are waiting to be told,” bulalas ni Ambat sa isa sa mga tinalakay niya sa mga kalahok.

Hinimok din niya ang mga bumahagi na ang ila’y mga nagsipagwagi sa national at regional writing contests na gamitin ang abilidad sa pagsusulat ng mga nakakainspirasyong kuwento ng mga atleta sa kani-kanilang rehiyon.

Kasama ni Maxey sina PSC Commissioners Fatima Celia Kiram na kumatawan sa sports agency sa Palarong Pambansa board kamakalawa sa Vigan City na nagpasyang ibigay sa Davao City ang hosting ng susunod na taong PP sa pagdaig sa tatlong bidders.

Nasa opening ceremonies din sila kasama sina PSC Commissioners Arnold Agustin at Ramon Fernandez kung saan si President Rodrigo Duterte ang honored guest at speaker.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?