6

By

Pilay ni Curry bumubuti

Sharing is caring!

MULI ay na-re-examine ang left knee injury ni Golden State star Stephen Curry nitong Biyernes, at mukhang maganda naman ang progreso ng kanyang rehabilitasyon.

Ayon kay coach Steve Kerr, out si Curry sa first round ng playoffs, posibleng makabalik na kapag nakalaalpas ang Warriors patungong second round.

Sa pre-game warmup bago nilampaso ng Golden State ang San Antonio 113-92 sa opener ng first-round series, nag-one-legged jumps si Curry sa kanyang injured na tuhod at nag-shooting.

Ngayong linggo ay paiigtingin pa ang kanyang on-court rehab, tatakbo na at tatalon. Nakaiskedyul siyang muling ma-re-evaluate makalipas ang isang linggo.

“When he’s ready, he’s ready but he’s making progress, which is a good sign,” wika ni Kerr.

Wala si Curry, naghigpit ng depensa ang Golden State at ipinakita ang kanilang ‘strength in numbers’ mantra. May 32 assists sa 44 field goals ang Warriors, 23 sa feeds na iyon ay nagresulta sa 33 made baskets sa third.

Binalik na rin ni Kerr sa starting lineup si 2015 NBA Finals MVP Andre Iguodala bagama’t hindi pa binabad para hindi mabugbog ang nananakit ding tuhod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?