838
fire3
Apr 27, 2018 @ 22:05
By

200 bahay sa Sta Cruz, Manila, naabo sa sunog

Nasa 200 bahay ang natupok at 500 pamilya ang nawalan ng tahanan dahil sa sunog na sumiklab sa kanto ng Oroquieta at Doroteo Jose St. sa Sta Cruz, Maynila.

Tinataya ding umaabot sa P1.5M ang napinsalang ari-arian dahil sa sunog.

Nagsimula ang sunog 7:15 Biyernes ng gabi sa ika-anim na palapag ng bahay ng isang Josie Simbahon.

Gawa sa mga light material ang mga katabing bahay kaya mabilis na kumalat ang apoy.

Umabot ang sunog sa Task Force Bravo bago tuluyang idineklara na fire under control ganap.na 12:34 Sabado ng umaga.

Inilkas naman ang ilang preso sa katabing Manila City Jail at mga pasyente mula sa Fabella Hospital sa pangambang madamay ito sa sunog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?