8
mark

200 apps sinuspinde ng Facebook dahil sa data misuse

Sharing is caring!

Sinabi nitong Lunes ng Facebook na inihinto muna nila ang nasa 200 apps dahil sa misuse ng data.

Kasunod ito ng pangako ni CEO Mark Zuckerberg na maglulunsad sila ng full app investigation at audit dahil sa Cambridge Analytica scandal.

“Facebook will investigate all the apps that had access to large amounts of information before…significantly reducing the data apps could access,” ani Ime Archibong, vice president ng Product Partnerships ng Facebook sa blog.

Lahat umano ng tumatakbong app sa kanilang platform na tumanggi o hindi dumaan sa audit ay iba-ban sa Facebook.

Sakaling makitaan naman ng misused data ang inimbestigahang apps, iba-ban din ito ng Facebook at sasabihan ang may-ari nito sa website ng Facebook.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?