110

By

20 vendor sa Divisoria, hinuli matapos lumagpas sa oras ng pagtitinda

Nasa 20 na vendor ang nasampolan nitong Biyernes sa pinatupad na bagong patakaran sa oras ng pagtitinda sa Divisoria.

Hinuli ang mga vendor dahil alas-sais ng umaga ay nagbebenta pa rin sila, na lagpas na sa itinakdang oras.

Kasabay nito kinumpiska ang mga paninda nila ng mga tauhan ng Manila City Hall.

Ayon sa mga taga-city hall, maaari pang mabawi ng mga vendor ang mga paninda nila basta magpakita ng mga kaukulang papeles at mangakong hindi na sila uulit.

Reklamo naman ng ilang tindero, naaapektuhan na ang kanilang kita dahil sa maikling oras ng kanilang pagtitinda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?