18

Nov 17, 2021 @ 14:59
By

20 sugatan, 4 kritikal sa magkasunod na pagsabog

Dalawang magkasunod na pagsabog ang tumama sa Kampala, Uganda nitong Martes.

Sugatan ang 20 katao habang nasa kritikal na kondisyon naman ang 4 na biktima sa tinawag ng pulisya na pag-atake sa lungsod, ang pinakahuli sa sunud-sunod na pagsabog na nagta-target sa bansa.

Naganap ang mga pagsabog sa central business district ng Kampala na malapit sa central police station at sa opisina ng Parliament.

Naisugod naman ang 24 na nasabugan sa Mulago Hospital.

Itinigil ng Parliament ang sesyon at hiniling sa mga miyembro na iwasan ang lugar habang sinisikap na maibalik ito sa kaayusan.

Inilagay sa ilalim ng mahigpit na seguridad na may armadong sundalo ang lugar.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga forensic officers sa pinangyarihan ng insidente.

Ang pangkat ng rebeldeng Allied Democratic Forces (ADF) sa Uganda ay inakusahan ng pagpatay sa libu-libong sibilyan sa eastern Democratic Republic ng Congo.

Noong Marso, opisyal na iniugnay ng Estados Unidos ang ADF sa IS. (Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?