20

Jul 21, 2021 @ 20:40
By

20 residente nagpositibo: Subdivision sa Cebu ni-lockdown

Nagpatupad ng granular lockdown sa isang subdivision sa Cebu City kasunod ng pagpositibo sa coronavirus ng 20 nakatira roon.

Ayon kay Councilor Joel Garganera, ang 20 residente ay nakatira sa apat na bahay sa loob ng subdivision.

Nilinaw niya hindi sakop ng lockdown ang buong barangay ng Guadalupe.

Batay sa social media post ng Barangay Guadalupe noong July 19, 116 active case ang mino-monitor nila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?