70

By

20 patay sa nag-collapse na gusali sa Nigeria

Nasa 20 katao, karamihan ay mga bata, ang nasawi sa pagguho ng isang school building sa Lagos Island, sa Nigeria noong Miyerkoles.

Ayon sa ulat, nakatakda na umanong idemolis ang 3-palapag na gusali pero iligal pa ring ginagamit ang ikalawa at ikatlong palapag nito.

Samantala, 45 indibiduwal naman ang nasagip sa insidente.

Sa social media naibahagi ang ilang larawan at video sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?