13

Nov 26, 2021 @ 16:16
By

20 paaralan pinayagan sa face-to-face class sa CAR

Lalahok sa face-to-face class ang halos 20 na paaralan sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Ayon sa Department of Education (DepEd) Cordillera Regional Director na si Estela Cariño magsisimula sa Nobyembre 29 ang mga klase.

Dagdag pa nito, ang mga teaching at non-teaching personnel ay fully vaccinated na.

Aniya, ang mga batang lalahok sa pilot run ay may permiso ng mga magulang.

Ayon pa kay Cariño, nakapasa ang mga lalahok na paaralan sa mga itinakdang requirements ng DepEd. (Sherrylou Nemis)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?