20
NPA
By

20 miyembro ng NPA, sumuko sa Laguna

Sharing is caring!

Nasa 20 na miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa militar sa Laguna.

Ayon sa report, karamihan umano ng mga sumuko ay nagmula sa Dumagat communities sa Sierra Madre.

Nagsisilbi umano ang mga ito na tagadala ng mensahe, food supply o lookouts para sa mga rebelde.

Sumuko umano ang 19 sa mga ito noong Enero 11 sa Barangay San Antonio habang ang isa pa ay noong sumunod na araw.

Narekober sa kanila ang 14 firearms, rifles at submachine gun pati na sari-saring bala.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?