1,791

By

$20 milyon kukubrahin ni Pacquiao

Makakapag-uwi ng kabuuang $20 million si Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa laban nito kontra Adrien Broner.

Doble ang halaga ng maiiuwi ni Pacman sa halagang nakalista sa kanyang kontrata na naka-file sa Nevada State Athletic Commission.

Ayon sa balitang inilabas ng Boxingscene.com, sa mga papeles na pinasa sa NSAC, $10 million ang guaranteed takehome pay ni Pacquiao habang $2.5 million naman kay Broner.

Matapos matanggap ang nasabing bayad ay diretso si Pacman sa Internal Revenue Service para bayaran ang additional taxes para sa kanyang sanctioning fee sa pagdepensa sa kanyang WBA welterweight title.

Ang karagdagang $10 million ay makukuha ni Pacquiao mula sa iba’t ibang various revenue streams kabilang ng ilang TV rights sa Pilipinas, pay-per-view sa Showtime at ilang sponsorships.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?