227

Oct 19, 2017 @ 16:36

20 Maute members, patay sa panibagong sagupaan sa Marawi

Nasawi ang 20 na miyembro ng Maute ISIS group sa muling pagsiklab ng gulo sa Marawi City.

Ito ang kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesman Major General Restituto Padilla.

Aniya, unang nasawi kagabi sa matinding bakbakan ang 13 miyembro ng Maute group habang kaninang umaga nasawi ang pito pang terorista.

Sa matinding sagupaan mula pa kagabi hanggang kaninang umaga, anim na sundalo naman ang nasugatan.

Inaalam na rin ngayon ng militar kung kasama sa 13 terorista na napatay ang Malaysian terrorist na si Dr. Ahmad Mammud na tumatayong financier ng Maute ISIS group.

Nailigtas naman ang mag-ina na bihag ng grupo.

Sa ngayon, patuloy ang operasyon ng militar sa lugar upang tuluyan nang matapos ang giyera sa lungsod. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?