4

Feb 17, 2021 @ 9:50
By

20 lindol umuga sa Kanlaon

Sa nakalipas na 24 oras ay may 20 lindol na naitala sa Bulkang Kanlaon.

Bukod dito, batay din sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nagpakawala ang bulkan ng katamtamang puting usok na umabot sa 500 metro ang taas.

Naglabas din ang Kanlaon ng sulfur dioxide, na nagsasaad ng pataas na galaw ng magma sa bukana ng bulkan, sa average na 1,130 tonelada kada araw noong Pebrero 13.

“These parameters may indicate hydrothermal, tectonic, or deep-seated magmatic processes occuring deep beneath the edifice,” ayon pa sa PHIVOLCS sa Pebrero 17 bulletin nito.

Nananatili ang Alert Level 1 sa naturang bulkan, na nangangahulugang nasa “abnormal condition” ito at pumasok na sa “period of unrest.”

Mariing minumungkahi ng PHIVOLCS ang mahigpit na pagbabawal sa pagpasok sa permanent danger zone ng Bulkang Kanlaon dahil may tsansa pa rin anila itong sumabog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?