21

Aug 23, 2020 @ 11:54
By

20 lindol umuga sa Bulkang Taal

20 lindol mula sa bulkan ang naitala ng Taal Volcano Network (TVN) sa nakalipas na 24 oras mula Sabado hanggang Linggo, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Samantala, ayon din sa 8 AM bulletin ng Phivolcs ngayong Agosto 23, 2020, hanggang 5 metro ang taas ng mahinang singaw at usok na binuga ng Bulkang Taal.

Nananatili ang Alert Level 1 sa naturang bulkan, na nangangahulugang nasa alangan (abnormal) pa rin itong kalagayan at hindi nangangahulugang huminto o naglaho na ang banta ng pagputok nito.

Minumungkahi ng Phivolcs ang mahigpit na pagbabawal sa pagpasok sa Permanent Danger Zone o PDZ ng Bulkang Taal, “lalo na sa paligid ng Main Crater at ng Daang Kastila fissure”.

Ito ay dahil maaari anilang maganap ang biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions, volcanic earthquakes, manipis na ashfall at pag-ipon o pagbuga ng mga nakalalasong gas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?