15

Sep 19, 2020 @ 22:23
By

20 kilong bulok na manok kinumpiska sa Maynila

Umabot sa 20 kilo ng bulok na karne ng manok ang nasabat ng Manila Veterinary Inspection Board (VIB) sa ginawang pag-iinspeksyon sa iba’t ibang bahagi ng lungsod noong Huwebes.

Nag-ikot ang VIB sa Divisoria, Recto Avenue at Antipolo Street sa Blumentritt para masiguro ang kalidad ng ibinebentang mga karne sa mga palengke sa lungsod.

Pinayuhan nila ang publiko na maging mapanuri at laging hanapin ang Meat Inspection Certificate mula sa mga tindahan bago bumili rito.

Nagbabala naman sila sa mga negosyante at vendor na patuloy silang magsasagawa ng mga meat inspection sa siyudad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?