20

By

20 katao todas sa salpukan ng tren sa Pakistan

Nasa 20 indibiduwal ang nasawi habang 74 pa ang sugatan matapos bumangga ang isang passenger train sa freight train sa railway station sa southern Pakistan nitong Biyernes.

Ayon sa ulat, nakahimpil lang ang freight train nang salpukin ito ng rumaragasang passenger train sa Walhar Railway Station sa Rahim Yar Khan, eastern Punjab province.

Bunga nito, naglunsad na ng emergency ang mga ospital sa lugar.

Inutos naman ni Prime Minister Imran Khan sa mga awtoridad ang medical care sa mga biktima.

Madalas umano ang mga aksidente ng tren sa Pakistan dahil sa mahinang klase ng railway infrastructure nito at kapabayaan ng mga opisyal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?