190

Oct 26, 2017 @ 16:40

20% discount sa pamasahe ng estudyante, kasado na

Good news para sa mga estudyante ang ipapatupad ngayong Sabado, Oktubre 28 na expanded student discount sa lahat ng public transport.

Ayon sa UNTV News, sa memorandum circular na inisyu ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), bibigyan ng 20% na diskuwento ang mga estudyante sa pamasahe kahit pa weekends, holidays o summer breaks.

Samantala, hindi naman nito sakop ang mga estudyanteng kumukuha ng kursong medisina, law, masters’ at doctorate degrees.

Sinabi ni Zaldy Tamon na malaking bagay ang 20% discount sa estudyanteng tulad niya. Ang P20 na matitipid ay puwede niya umanong ibili ng pagkain o ipambayad sa kanyang proyekto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?