171

Oct 27, 2017 @ 13:50

20% discount sa estudyante sa public transport, simula na!

Ilalabas na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) bukas, Oktubre 28, ang isang memorandum na magbibigay ng 20% fare discount sa mga estudyante sa lahat ng pampublikong sasakyan.

Ang 20% fare discount ay para sa mga estudyante na sasakay sa domestic flights, Metro Rail Transit (MRT), Light Rail Transit (LRT), Uber, Grab, taxis, jeepney at mga bus.

Ang batas na ito ay sa buong taon, hindi lamang tuwing weekends, summer breaks at holidays.

Ikinatuwa naman ni Senador Sonny Angara, isa sa author ng Senate Bill 1597 at  vice chairman of the education committee, ang agarang pagpapatupad ng panukalang ito.

“We commend the LTFRB for recognizing the needs of our students. We have long been pushing for the passage of such measure,” ani Angara .

“Nakapaloob din sa ating panukalang batas ang pag-extend ng student fare discount hindi lamang sa araw ng klase. Pero bukod dito, gusto natin na pati MRT, LRT at kahit airfare at boat fare ay sakop ng discount,” dagdag pa ng senador.

Sa ilalim ng panukala, lahat ng estudyante na naka-enrol sa basic at tertiary education, kabilang ang technical-vocational institutions, ay entitled sa 20% discount sa regular domestic travel fares.

Kailangan lang ng edtudyante ang school ID na inisyu ng kanyang paaralan o kaya ay ang validated enrollment forms ng mga ito.

Hind naman bibigyan ng discount ang mga estudyante na kumukuha ng post-graduate studies tulad ng medicine, law, masteral at doctoral degree. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?