20
human-trafficking
By

20 biktima ng human trafficking, naharang ng BI

Sharing is caring!

Naharang ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dalawampung lalaking hinihinalang biktima ng human trafficking na nagtangkang bumiyahe patungo ng Africa.

Ayon kay BI Acting Associate Commissioner at Port Operations Division Chief Marc Red Mariñas, tinangka ng nasabing mga biktima na bumiyahe gamit ang mga kahina-hinalang dokumento.

Naharang sila sa NAIA Terminal 3 nito lamang June 8 at papasakay na sana ng Emirates Airways Flight patungo ng Dubai.

Sila umano ay ipadadala ng isang kumpanyang nakabase sa Malaysia sa Sao Tome and Principe na isang maliit na island nation sa Central Africa.

Pero nagduda ang BI sa tunay na layunin ng kanilang biyahe matapos madiskubreng kahina-hinala ang iprinisinta nilang imbitasyon.

Hindi rin umano mailahad ng mga biktima ang detalye ng kanilang byahe.

Kalaunan, nadiskubre na bibiyahe nga patungo ng Sao Tome ang mga biktima para magtrabaho roon nang walang dokumento.

Ang mga biktima ay idinulog na sa Inter-Agency Council Against Trafficking para sumailalim sa mas malalim na imbestigasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?