25

Apr 20, 2021 @ 16:37
By

20% bawas sweldo kinasa ng PBA

Nirekumenda ni PBA Commissioner Willie Marcial ang pagbabawas ng sweldo sa mga manlalaro at empleyado ng liga.

Ito’y dahil na rin sa epekto ng COVID-19 pandemic kung saan tigil ang paglalaro, pati ensayo ng bawat koponan.

“It’s about time na kami naman magbigay ng kontribusyon sa mga teams at team owners,” ayon kay Marcial.

20 percent ang ibabawas sa sahod ng mga player, coach, at iba pang staff.

Hindi naman kasama ang mga utility staff tulad ng ballboy sa pagbawas sa sweldo.

Inaasahan ng liga na muling ibalik ang normal na pasahod kapag pinayagan na ulit ang mga ensayo sa court.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?