73

By

20 bahay natupok sa QC

Umabot sa mahigit 20 kabahayan at 40 pamilya ang nawalan ng tahanan sa sunog na naganap sa isang residential area sa Quezon City, Miyerkoles ng hapon.

Sa inisyal na report ng Quezon City Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog dakong alas-3:22 ng hapon (January 22) sa tahanan ng isang Ruth Meneses na 3-story residential house sa No. 7 Ilocos Norte St., Brgy. Ramon Magsaysay, Bago Bantay, QC, na umabot sa ikatlong alarma.

Bagama’t nahirapan na makapasok ang mga bumbero dahil sa napakakipot na eskinita ay agad namang naapula ang apoy bandang alas-4:48 ng hapon.

Batay sa pahayag ng mga residente, posibleng dahil sa nagwe-welding sa katabi nilang gusali ang sanhi ng sunog.

Gayunman ay patuloy pa rin itong iniimbestigahan ng mga bumbero.

Wala namang napaulat na nasugatan o nasawi sa nasabing sunog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?