256

Oct 29, 2017 @ 13:48

20 bahay naabo sa sunog sa Maynila

Mahigit 20 ang natupok ng apoy sa sunod na naganap sa Santiago St., Paco, Maynila kaninang umaga.

Ayon sa ulat ng Paco Fire Station, pasado alas-9:00 nang magsimula ang sunog sa  1238 H Santiago St. kanto ng Pedro Gil na sakop ng Barangay 684.

Nabatid na nagsimula ang apoy mula sa ikalawang palapag ng bahay ng isang Rosalinda Arboleda na gawa sa materyales na madaling magdingas kaya mabilis ding kumalat ang apoy.

Nahirapan din ang mga bomber na maapula ang apoy dahil kailangan pang dumaan sa isang creek bago marating ang nasusunog na lugar.

Limampung pamilya ang naapektuhan ng sunog na umabot sa ika-apat na alarma at tumupok sa tinatayang P100,000 na halaga ng mga ari-arian. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?