41

Jun 22, 2020 @ 12:56
By

20 bagong patrol car, ibinigay ni Isko sa MPD

Ipinagkaloob ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa Manila Police District(MPD), ang 20 bagong patrol car para magamit sa pagbibigay nh serbisyo publiko.

Ginawa ang turn-over ceremony sa ginanap na Flag ceremony.

Ang mga bagong patrol cars na binubuo ng 20 Toyota Vios ay kaloob ng Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII).

Ang nasabing mga patrol cars ay malugod na tinanggap ng alkalde kasama sina Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, MPD chief Rolando Miranda at National Capital Region Police Office (NCRPO) Debold Sinas.

Sinabi ni Moreno na sa pamamagitan ng mga bagong sasakyan ay mahahasa ang police visibility at magiging mas mabilis ang aksyon sa kriminalidad sa lungsod.

Ipamamahagi sa 11 police stations ang mga bagong mobile car.

Bukod sa 20 Toyota Vios units, sinabi ni Moreno na tatanggap din ang MPD ng anim na tactical vehicles para sa Special Weapons and Tactics (SWAT) mula pa rin sa FFCCCII.

Ang mga opisyal ng FFCCCII na nakibahagi sa ginanap na turn-over ceremony ay sina Dr. Henry Lim Bon Liong, vice presidents Dr. Cecile De Pedro at Victor Lim, honorary president Robin Sy, secretary general Dr. Fernando Gan at board member Nelson Guevarra.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?