21
views
arrested-marijuana
By

20-anyos na tulak ng marijuana, timbog sa Marikina

Sharing is caring!

Arestado ang isang 20-anyos na tulak matapos madagit sa ikinasang buy bust operations makaraang pagbentahan ang isang buyer na pulis, kamakalawa ng gabi sa Barangat Dela Peña, Marikina City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec 11 at Sec 5 ng RA 9165 o illegal drugs act ang suspek na si Ronald Vincie de Jesusrex, residente ng Barangay Dela Peña na ngayon ay pansamantalang nakakulong sa Marikina detention cell.

Batay sa report, nagsagawa ng buy bust operation ang mga miyembro ng Station Drug Enforcement Unit ng Marikina City Police Station sa pangunguna ni Insp. Greco Gonzales sa Melbourne St. Corner Saint Mary St. Provident Village Barangay Dela Peña, bandang alas 6:45 kamakalawa ng gabi.

Nakatanggap ng tip ang pulisya na positibong nagtutulak ng marijuana ang suspek at nasa lugar nang ikasa ang buy bust na kung saan nakipagtransaksyon ito sa isang police poseur buyer na nagbenta ng isang pakete ng marijuana na nagkakahalaga ng P1000 na nakumpiska bilang buy bust money. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?