154

By

$20.7-M ng OKC, tinabla ni George

Sharing is caring!

TINANGGIHAN ni Paul George ang $20.7 million deal sa susunod na season para sa Oklahoma City Thunders.

Mas gusto raw niyang maging unrestricted free agent at mapasama sa NBA free agency ngayong Linggo, July 1.

Nagbukas agad ng posibilidad si George para sa Los Angeles Lakers, Houston Rockets at maging sa Thunders.

Isa si George sa mga magiging atraksyon sa pagbubukas ng free-agent shopping period.

Kahanay ni George si LeBron James na tinanggihan rin ang $35.6 million sa susunod na season para sa Cleveland Cavaliers. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?