9

By

2 wanted tiklo nang kumuha ng police clearance

Sharing is caring!

Swak sa piitan ang apat na wanted, dalawa rito ay nadakma habang nag-aaplay ng police clearance sa Quezon City Hall.

Kinilala ang dalawang nadakip na sina Ray Andrew Esquilona, 32, at Ramulito Nuera, 41.

Si Esquilona ay naaresto sa Police Clearance Section sa Quezon City Hall Compound dakong alas-9:30 ng umaga matapos lumitaw na “hit” ang pangalan nito sa clearance system.

May standing warrant of arrest ito sa kasong robbery.

Nabigo ring kumuha ng police clearance si Nuera nang lumabas din na “hit” ang kanyang pangalan.

Siya naman ay may warrant of arrest sa kasong paglabag sa Bouncing Check Law.

Samantala, naaresto ng Fairview Police Station ang wanted na si Denniel Pedrano, 23, dakong ala-1:15 ng hapon ng December 7 sa Brgy. Sta. Lucia, Novaliches, na may kasong paglabag sa City Ordinance No. 694, Series of 2018 (Riding-in-Tandem).

Nadakma naman ng mga operatiba ng Galas Police Station ang isa pang wanted na si Rani Boy Iran, 22, sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?