20
Suspek sa pagpatay sa make-up artist ni Alden, nadakma sa Cavite
By

2 wanted ng Mandaluyong, nalambat

Kulungan ang bagsak ng dalawang kinikilalang most wanted persons ng Mandaluyong Police na may kinahaharap na kasong attempted homicide at pagtutulak ng droga matapos ang sinagawang magkahiwalay na follow up operations noong Martes sa Mandaluyong City.

Kinilala ni Mandaluyong Chief of Police PCol. Moises Villaceran, Jr., ang mga inarestong suspek na sina Jomar Maglaya, 29, residente ng San Juan City at Remar Domingo, 24, ng Mandaluyong City.

Batay sa ulat, unang inaresto si Maglaya bandang alas-diyes, Martes ng umaga sa kahabaan ng Maysilo Circle Boni Avenue sa Mandaluyong.

May kinahaharap si Maglaya na kasong paglabag sa Sections 5 at 11 and II ng RA 9165.

Sentensyado si Malaya ng tatlong taon, isang araw hanggang apat na taong pagkakakulong at obligadong magbayad ng P50,000 ng subsidiary imprisonment in case of insolvency.

Samantala sa magkahiwalay na operasyon, inaresto naman si Domingo bandang alas-12 ng tanghali sa Barangay Poblacion sa parehong lungsod sa kasong attempted homicide.

Kasalukuyang nakakulong ang dalawang suspek sa Custodial Detention Unit ng Mandaluyong City Police Station habang hinihintay ang pagdinig sa kinahaharap na kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?