49

Jun 24, 2022 @ 16:17
By

2 wagi sa P73.9M 6/49 Super Lotto

Dalawang maswerteng mananaya ang maghahati sa jackpot prize ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nang parehong makuha ang winning combination ng Super Lotto 6/49.

Tumataginting na P73,777,794 ang paghahatian ng dalawang nanalo sa winning combination na 36-07-14-21-20-42.

Nabili ang ticket ng dalawang nagwagi sa Tarlac City ay Iloilo City.

Umabot naman ng 34 indibidwal ang makakakuha ng tig-P50,000 nang mahulaan ang limang numero.

Ibinobola ang Super Lotto 6/49 tuwing Martes, Huwebes, at Sabado sa main office ng PCSO.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?