196

May 12, 2018 @ 11:03

2 wagi sa Mega Lotto 6/45 jackpot na P49-M

Paghahatian ng dalawang mananaya ang jackpot prize sa Mega Lotto 6/45 matapos mahagip ang winning combinations nito na binola kagabi (Mayo 11) sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ang nanalong kombinasyon sa Mega Lotto ay 24-10-28-15-25-12 kung saan nasa P49,357,401 ang paghahatian ng dalawang nanalo.

Samantala, wala namang masuwerteng nakahagip sa 51-31-22-19-02-32 kombinasyon ng Ultra Lotto 6/58 na binola rin kagabi kung saan halos isang daang milyong piso ang jackpot prize.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?