26
beach-wall
By

2 turista sa Portugal todas sa kaka-selfie

Sharing is caring!

Nauwi sa trahedya ang pagbabakasyon ng dalawang turista matapos nitong mahulog sa may 30 metrong taas na beach wall habang nagse-selfie sa Portugal.

Ayon sa report ng Portuguese Lusa News Agency, nagpi-picture ang magkasintahang British at Australian nang mawalan ng balanse at mahulog.

Nasa edad 30s umano ang babae habang nasa 40s ang lalaki pero hindi pa tukoy kung sino ang British at Australian sa mga biktima.

Nangyari ang insidente noong Martes ng umaga sa Pescadores beach sa Ericeira, na sikat na surfing spot.

Nakakita ng mobile phone sa wall ang emergency workers, na naniniwalang sa naturang lugar nagse-selfie ang dalawang biktima nang mawalan sila ng balanse.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?