80

Apr 28, 2018 @ 3:11
By

2 tulak sa QC, utas sa buy-bust

Dalawang tulak ng droga ang napatay sa isinagawang buy bust operation sa Novaliches Quezon City.

Ang dalawa ang puntirya ng buy-bust na ikinasa ng Quezon City Police District (QCPD) Station 4 sa bahay ng isa sa suspek sa Geronimo Compound Barangay Sta Monica.

Kinilala ang isa sa napatay na si Amado Biñete habang nakilala lamang ang kasamahan nito sa alyas na Michael.

Nabatid na nakatunog ang mga suspek na pulis ang poseur-buyer kaya tumakbo ito sa masikip na eskinita ng Geronimo Compound.

Nakipagpalitan umano ng putok ang dalawang suspek kaya gumanti ng putok ang mga miyembro ng QCPD Station 4.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?