12
droga
By

2 tulak ng shabu, tiklo sa Maynila

Sharing is caring!

Dalawang pinaghihinalaang drug pusher ang inaresto ng Drug Enforcement Unit ng Manila Police District sa isang buy bust operation sa Juan Luna St. sa Tondo, Maynila Sabado ng gabi.

Nabatid na binentahan ng suspek na si Ricardo Herrera (59) ang undercover buyer ng P500 halaga ng shabu.

Si Herrera ay nabatid na kasama sa drug watch list ng Abad Santos Police Station.

Nang magka-abutan, agad na dinampot ang suspek ng mga pulis.

Inaresto din ang isa pang suspek na si Jesusa de Belen (60) na nahulihan din ng droga.

Nakumpiska sa dalawa ang 6 na sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P2,500.

Nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?