12
views

By

2 tulak ng Pasig huli sa buy-bust

Sharing is caring!

Kulungan ang bagsak ng dalawang kilalang tulak sa ikinasang buy-bust operation kahapon sa Pasig City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sina Gerry Tenorio y Beltran, mangingisda, at Mark Malba y Pedreña, kapwa residente ng Barangay Pinagbuhatan.

Batay sa report, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Pasig Police sa mga nasabing tulak sa Pinalad Road, Barangay Pinagbuhatan, Pasig City, bandang alas-otso ng umaga.

Nagsilbing poseur buyer ang isang pulis na nakipagtransaksyon sa mga suspek para bumili ng droga.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 10 na piraso ng plastic sachets na naglalaman ng shabu at P200 buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Pasig detention cell. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?