125

Jul 28, 2018 @ 11:26
By

2 tulak ng droga, todas sa Bulacan buy-bust

Dalawang tulak ng droga ang napatay habang isang undercover agent ang nasugatan makaraang kapwa manlaban ang mga suspek sa magkahiwalay na buy-bust operation sa bayan ng Pulilan at San Jose del Monte City, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Ayon kay P/Senior Supt. Chito Bersaluna, acting provincial director ng Bulacan PNP, nakilala lamang ang dalawang napatay na tulak na sina alyas Dodong at isang alyas Jayvee, na kapwa nagtamo ng tama ng bala sa kanilang katawan.

Nakuha sa kanilang pag-iingat ang dalawang kalibre .38 revolver, ilang pakete ng shabu at motorsiklo.

Bandang alas-10:50 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang Pulilan police sa Barangay Lumbac, Pulilan at matapos kumagat sa buy-bust operation si alyas Dodong ay nakatunog na pulis ang kanyang katransaksyon kaya bumunot ng baril at nanlaban kaya naitumba ito sa palitan ng putok.

Nakuha sa kanya ang maigsing baril, isang pakete ng shabu at motorsiklo samantalang kumasa rin sa awtoridad si alyas Jayvee sa anti-illegal drug operation sa San Jose del Monte City, Bulacan nang madiskubre nitong undercover agent ang poseur-buyer kaya bumunot ito ng baril at pinaputukan ang awtoridad.

Napatay din si alyas Jayvee sa maikling engkuwentro habang nasugatan ang hindi pinangalang poseur-buyer sa palitan ng putok ngunit iniulat na ligtas na ito sa kapahamakan at nakuhanan din ang suspek ng baril, droga at marked money.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?