29
socoa
By

2 tulak nanlaban sa pulis, tigbak

Itinumba na ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawa sanang aarestuhing tulak ng droga matapos na manlaban sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni QCPD Directro P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., ang mga napatay na suspek na sina Robert Rivera at Randy Matias.

Sa inisyal na report, dakong alas- 2:00 ng madaling-araw nang magkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng QCPD-Station 6, sa Santo Nino St., sa Brgy. Holy Spirit

Habang isinasagawa ang transaksyon ay nakahalata ang mga suspek na pulis ang ‘kliyente’ kaya’t agad na bumunot ng baril at pinaputukan ang huli subalit agad namang nakaiwas kaya hindi natamaan.

Dahil dito ay naglitawan na ang mga kasamahan ng pulis na nagpanggap na buyer at pinaputukan ang nasabing suspek.

Ayon kay P/Supt. Joel Villanueva, commander ng QCPD-Station 6, matagal nang target ng pulisya ang mga suspek na hindi aniya sumuko sa Oplan Tokhang.

Dumating naman sa pinagyarihan ng krimen ang QCPD chief, at sinabing posibleng sangkot rin sa robbery ang mga suspek. “Relatedly, nare-report din ito na nai-involve sa iba pang krimen, sa pangho-holdap,” ani Chief Supt. Esquivel.

Sa kasalukuyan ay iniimbestigahan ng mga pulis ang posibilidad na may kasabwat pang nakatakas ang mga suspek matapos na makarinig ng mga kaluskos mula sa bubong ng bahay habang nagaganap ang barilan.

Narekober ng mga pulis mula sa mga suspek ang 10 plastic sachet ng hinihinalang shabu, mga drug paraphernalia, at dalawang kalibre. 38 na baril.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?