16
Abante-TnT-buy-bust
By

2 tulak, laglag sa buy bust

Sharing is caring!

Arestado sa ikinasang buy bust operation ang dalawa katao na kilalang tulak sa Manggahan, Pasig City.

Kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act sina Diosdado Dizon at isang alyas Jerry, kapwa residente ng Barangay Manggahan.

Sa report na nakalap mula sa tanggapan ni Eastern Police District Director Reynaldo Biay, nagsagawa ng drug busy bust ang mga tauhan ng station drug enforcement unit bandang 1:00 kamakalawa ng hapon sa Guyabano St., Napico, sakop ng Barangay Manggahan kung saan isang pulis ang umaktong buyer.

Agad na dinampot ang mga suspek habang aktong ibibigay na ang illegal na droga sa pulis. Nakumpiska sa dalawa ang apat na sachet na naglalaman ng shabu at P400 buy bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang dalawa sa Pasig detention cell.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?