66

Jun 23, 2018 @ 11:39
By

2 tulak huli sa drug bust sa Pasig

Inaresto ng station drug enforcement unit ng Pasig Police ang dalawang kilalang tulak ng droga sa ikinasang drug buy-bust operations kagabi.

Sa report na nakalap mula sa tanggapan ni PS/Supt. Rizalino Gapas, chief of police ng Pasig, inaresto sina Jose Morales y Avansado, 46-anyos, residente ng Elisco Road, Barangay Kalawaan, at Isaiah James y Ramirez, 21-anyos, ng No. 89 Lopez Haena, Barangay Sumilang, Pasig City.

Ikinasa ang drug buy-bust operations bandang alas-siyete ng gabi ng Biyernes kung saan isang police poseur buyer ang nakipagtransaksyon sa mga pusher at nang aktong ibibigay na ang droga ay agad na silang dinampot.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang pitong sachets na naglalaman ng shabu at P200 buy-bust money.

Nabatid na kasama sa listahan ng drug watchlist ang dalawang inarestong tulak.

Kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek at kasalukuyang nakakulong sa Pasig detention cell habang inihahanda ang kaso laban sa kanila sa Pasig City Prosecutor’s Office. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?