91

Jul 22, 2018 @ 16:16
By

2 tulak, huli sa buy-bust sa Pasig

Kulungan ang bagsak ng dalawang lalaking tulak ng droga matapos maghuli sa ikinasang drug buy bust operations ng Rosario, Pasig Police, kahapon ng madaling araw.

Batay sa report na nakalap mula sa tanggapan ni Eastern Police District Director PSSupt. Bernabe Balba, nakilala ang mga suspek na sina Mario Orlanes y Cardento at Richard Apostol y Postrado, kapwa nasa hustong gulang at residente ng Barangay Rosario, Pasig City.

Nagsagawa ng buy bust operations ang mga tauhan ng station drug enforcement unit ng Rosario Police bandang ala 1:00 kahapon ng madaling araw sa West Bank Road, sakop ng Barangay Rosario, Pasig City na kung saan ay nalambat ang dalawang suspek makaraang magbenta ng droga sa isang buyer na pulis.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang limang plastic sachets na naglalaman ng shabu at Php 200 buy bust money.

Kapwa nakakulong ang mga suspek sa Pasig detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o illegal drugs acts.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?