74
shabu91
Jun 9, 2018 @ 12:57
By

2 tulak huli sa buy-bust; P1.4M halaga ng droga, narekober

Dalawang tulak ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nadakip ng pinagsanib na operatiba ng Balagtas PNP at PDEA operatives at makakumpiska ng pitong bricks ng damo na nagkakahalaga ng P1.4-milyong piso sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay San Juan,Balagtas,Bulacan kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Chief Inspector Restituto E. Granil,Balagtas police chief,ang mga naarestong sina Jervin Santos y Bartolome,23,binata ng RA Jose st.,Barangay San Juan at Ahmed Guevarra y Lodronio,18,binata,mekaniko ng
Barangay Wawa,kapwa sa Balagtas na kapwa nakadetine ngayon at nahaharap sa kasong pagtutulak.

Ayon kay SPO1 Richard Lagman,may hawak ng kaso,bandang alas 5:10 ng hapon nang magsagawa ng anti-illegal drug operation ang Balagtas PNP at Bulacan PDEA team kungsaan umaktong poseur-buyer si PO2 Edmund Vincent dela Cruz kaya nakabili ito ng damo sa dalawang suspek sa Barangay San Juan,ng nasabing bayan.

Dito na dinakip ang dalawang suspek at matapos ang paghahalughog ng awtoridad ay dito natuklasan ang pitong bricks ng marijuana leaves with fruiting tops na nagkakahalaga ng P1.4 milyong piso at nakabaon sa bakuran ng isa sa mga suspek.

Lumilitaw na galing pa sa lalawigan ng Apayao ang nasabing droga na ibinabagsak sa dalawang suspek at siyang isinusuplay sa kanilang mga parokyano sa nasabing munisipalidad at kalapit-bayan habang patuloy pa ang imbistigasyon upang matukoy ang supplier ng mga nasakoteng tulak ng damo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?