24

May 10, 2021 @ 11:34
By

2 tulak dedo: P149M shabu nasamsam sa Pasig

Patay ang dalawang tulak ng iligal na droga sa kinasang buy-bust operation sa Pasig City, Linggo ng gabi.

Kinilala ni Philippine National Police (PNP) chief Guillermo Eleazar ang isa sa mga suspek na si Arthur Abdul.

Nakuha sa mga suspek ang aabot sa 22 kilogram ng shabu, na nagkakahalaga ng P149M.

Bukod pa dito, dalawang pistol din ang na-recover mula sa mga suspek.

Nangyari ang operasyon sa Brgy. Kalawaan, kung saan matapos malaman na mga pulis pala ang ka-transaksyon ay nakipagpalitan ng putok ang mga suspek.

Wala namang nasaktan na awtoridad sa nasabing operasyon, ayon sa report ni PNP-Drug Enforcement Group director, Brig. Gen. Remus Medina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?