8

By

2 tulak dakma sa Pasig

Sharing is caring!

Kulungan ang bagsak ng dalawang kilalang tulak sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga tauhan ng station drug enforcement unit, kahapon ng madaling-araw sa Barangay Bagong Katipunan, Pasig City.

Batay sa report na nakalap mula sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Director S/Supt. Bernabe Balba, isinagawa ng mga tauhan ng SDEU ang buy-bust bandang ala-una kahapon ng madaling-araw sa kahabaan ng Dr. Pilapil St. Barangay Bagong Katipunan makaraang makatanggap ng tip na may magaganap na bentahan ng iligal na droga sa nasabing lugar.

Agad na naaresto sina Carlo Pamisa at Razell Verdadero, kapwa nasa hustong gulang at residente ng Barangay Bagong Katipunan, Pasig City at kapwa rin nasa listahan ng drug watch list ng barangay at Pasig Police.

Ayon sa report, nakipagtransaksyon ang isang pulis na umaktong buyer sa isa sa mga suspek at agad namang nakabili ng shabu at doon na nagbigay ng hudyat para hulihin ang dalawang tulak.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang pitong plastic sachet na naglalaman ng shabu at P200.00 buy bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang dalawang tulak sa Pasig detention cell sa kasong paglabag sa RA 9165 o illegal drugs act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?