64

Oct 21, 2017 @ 15:55

2 tsuper tinaniman ng bala sa ulo, patay

Patay agad ang dalawang jeepney driver makaraang puntiryahin ng dumaan lang na riding-in-tandem kahapon ng madaling-araw sa Marikina City.

Batay sa report mula sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Director S/Supt. Romulo Sapitula, nakilala ang mga biktima na sina Candicdo Siarot y Legania at Roberto Cadacio y Palomares, mga nasa hustong gulang at kapwa residente ng Concepcion Dos, Marikina City.

Naganap ang pamamaril bandang alas-12:34 ng madaling-araw sa panulukan ng Panorama St., Concepcion Dos habang nag-aayos ang dalawang biktima ng kanilang pampasadang jeep nang mapansin ang humaharurot na motorsiklo.

Ayon sa mga nakasaksi, biglang huminto ang dalawang nakasakay ng motorsiklo may ilang metro lamang ang layo at bumaba ang rider nito sabay puntirya at pinaputukan sa ulo ang dalawang biktima na agarang ikinasawi ng mga
ito.

Kilala umano ang dalawang tsuper na gumagamit ng ipinagbabawal na droga.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng follow-up operation ang Marikina police upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin at ang motibo sa krimen. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?