164

Nov 22, 2021 @ 10:20
By

2 tsikot nahulog sa ginagawang tulay sa Cavite

Isa ang kumpirmadong patay habang lima ang sugatan sa dalawang magkahiwalay na aksidente kung saan nahulog ang dalawang kotse sa ginagawang Obispo Bridge sa Antero Soriano Highway, Tanza, Cavite.

Ayon sa ulat ng GMA News, ang unang aksidente ay naganap Linggo ng gabi kung saan isang itim na kotse ang nahulog mula sa naturang tulay, matapos banggain ang concrete barrier.

Tatlo ang sakay nito na pawang mga nakainom umano. Mga sugat lamang ang tinamo nila at nagpapagaling sa ospital.

Lunes naman ng madaling-araw ay isang puting sasakyan naman ang nahulog sa parehong tulay, na tatlo katao kabilang ang isang bata ang sakay.

Batay sa ulat ng Dobol B TV, isa sa mga sakay nito ang binawian na ng buhay.

“Sa lahat ng magdaraan papuntang Manila to Naic, Maragondon or Ternate, pagdating sa Soriano Highway ay magdahan-dahan po tayo dahil may ginagawang tulay sa kasalukuyan. Kita niyo naman siguro naka-open talaga siya. Ang nakapaligid sa kanya ay drum lang. Maaaring mag-cause talaga ng aksidente,” babala ng kapitan sa naturang lugar. (mjd)

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?