3

Mar 2, 2021 @ 9:42
By

2 todas dahil sa COVID-19 sa Bohol

Naitala ang dalawang nasawi dahil sa COVID-19 sa Tagbiliran City, Bohol. Sa kabuuan, 22 na ang death toll rate ng naturang lugar.

Ayon kay Dr. Cesar Tomas Lopez ng Bohol Inter-Agency Task Force mula Ubay ang dalawang senior citizen na nasawi.

Aniya, isang 60-anyos na ginang na may pneumonia at diabetes ang nasawi sa Don Emilio Del Valle Memorial Hospital habang isang 61-anyos na lalaki naman ang isinugod sa parehong ospital ngunit ideneklarang dead on arrival.

Doon napag-alaman na nagpositibo pala siya sa COVID-19.

Kasalukuyang umakyat na sa 1,085 ang kabuuang bilang ng nasapul ng virus sa Bohol kung saan 972 dito ang gumaling at 91 ang nananatiling aktibo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?