By

2 ‘tirador’ sa bus, timbog sa Mandaluyong

Sharing is caring!

Arestado ang dalawang mandurukot ng cellphone matapos mambiktima sa siksikang pampasaherong bus sa Mandaluyong City kagabi.

Batay sa report, nangyari ang insidente alas-10:00 ng gabi sa EDSA, Mandaluyong.

Nakasakay sa siksikang bus ang mga biktima na sina Neil Rebong, 26, at Clara Magdayao, 46, kasama ang mga suspek na sina Demsey Oli, 26; Richie Reyes, 26, at isa pa.

Ayon sa mga biktima, malikot umano ang kilos ng mga suspek kung saan may nananabunot ng buhok, nang-iipit at nangbabangga, kasabay ng pagkuha sa kani-kanilang mga cellphone at agad na bumaba ang mga suspek mula sa bus.

Napansin naman ng mga biktima ang kilos ng mga suspek kaya agad nilang nakapa na wala na ang kanilang mga cellphone at mabilis silang bumaba at naisumbong sa nakatalagang pulis sa nasabing lugar.

Hinabol nina PO1 Marvin Nasdoman at PO1 Reynan Lauresta ang mga suspek na agad nadakma.

Narekober sa mga suspek ang isang cellphone na Samsung A8 na nagkakahalaga ng P27,000 at isang Vivo 7 na nagkakahalaga ng P15,000. Positibo silang kinilala ng mga biktima.

Kasalukuyan nang nakakulong ang mga suspek sa Mandaluyong detention cell habang inihahanda ang kasong robbery with intimidation laban sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?