50

Nov 25, 2019 @ 17:11
By

2 timbog sa shabu, armas sa QC

Swak sa piitan ang dalawang drug suspect matapos mahulihan ng mga hinihinalang shabu at armas sa isang buy-bust operation sa Quezon City, Linggo ng hapon.

Kinilala ni Acting Quezon City Police District (QCPD) Director P/BGen Ronnie Montejo ang mga naarestong suspek na sina Joan Tadena, alyas ‘Mars,’ 21, at Dexter Laping, alyas ‘Boss,’ 28, kapwa residente ng Brgy. Pag-asa.

Sa ulat ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Masambong Police Station (PS-2) ng QCPD, dakong alas-5:20 ng hapon (November 24) nang maaresto ang mga suspek sa Alley 5, CMLI Compound, sa naturang barangay.

Nauna rito, nakatanggap ng tip ang mga awtoridad hinggil sa illegal na aktibidad ng mga suspek kaya’t ikinasa ang buy-bust operation laban sa kanila.

Nakumpiska kay Laping ang pitong pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P40, 800, buy-bust money, at isang kalibre .38 revolver na may apat na bala, habang nakumpiska naman kay Tadena ang isang cellular phone na ginamit sa transaksiyon.

Ang mga suspek ay nakatakdang sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?